Ano ang kontribusyon ni Josefa Rizal?

Katanungan

Ano ang ambag ni Josefa Rizal?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga magigiting na babaeng kasapi ng rebolusyon ay si Josefa Rizal. Siya ay kapatid ng itinuturing nating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Kaya gayun na lamang ang kanyang naging kontribusyon sa rebolusyon. Ang angking galing ni Josefa sa wikang Ingles ay nakatulong upang malaman nila ang hakbang na ginagawa ng mga kalaban.

Siya rin ang nangalaga at nagtago sa mga dokumentong lihim lamang dapat, upang hindi mahuli ng mga guwardiya sibil sa iba pang mga rebolusyonaryo.

Bagama’t may dinaramdam rin na sakit, matapang na nakipagdigma rin si Josefa laban sa mga mapang-abusong kamay ng mga Espanyol.