Katanungan
Ano ang maaaring ipataw na paglabag kung ang isang drayber ay nakapasa sa field sobriety test?
Sagot
Sa ilalim ng Batas Republika 10586, o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act, ang maaaring ipataw sa paglabag ng batas na ito kapag hindi pumasa ang isang drayber sa isinagawang field sobriety test ay ang mga sumusunod:
pagkakakulong ng tatlong buwan hanggang dalawapung taon, multa na nagkakahalaga mula P20,000 hanggang P500,000, suspensiyon sa lisensya, o hindi naman kaya ay habambuhay na pagkaka-walang bisa ng lisensya.
Ang field sobriety test ay isang pagsusuri na isinasagawa ng mga pulis o traffic enforcer kung suspetya nila ay nakainom o nag-droga ang isang nagmamaneho ng sasakyan.Ang iba’t-ibang uri ng field sobriety test ay tulad ng one leg stand at walk-and-turn test.