Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?

Sagot verified answer sagot

Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa taoAng mahalagang papel na ginagampanan ng wika sa tao ay ang pagbibigay ng daan sa malinaw at epektibong komunikasyon.

Ang wika ang nagiging mabisang lunsaran ng ideya, damdamin, at impormasyon ng isang tao kaya naipapasa niya ito o naipararating sa iba.

Sa pamamagitan ng mga nakaayos na titik at mga salita. Nagiging maayos ang ugnayan ng bawat tao at nagagawa nila ang maraming bagay nang magkasama at matagumpay.

Kung walang wika, hindi magiging maayos ang komunikasyon ng bawat isa at mananatiling ideya na lamang ang mga naiisip natin dahil wala tayong paraan upang ito ay maibulalas at maipahayag sa iba o sa ating kapuwa.