Katanungan
ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao?
Sagot
Nakatutulong ang paggawa sa pagkamit ng aking kaganapan bilang tao sa pamamagitan ng paghubog sa akin nito na mapagaling ang aking kakayahan maging ng responsibilidad sa pagkakaroon ng matalino at maayos na paggawa.
Ang paggawa o pagbuo ng isang produkto gamit ang kaalaman ng isang tao ay nakatutulong sa isang indibidwal upang mahasa o mapahusay nito ang kanyang kakayahan.
Sa tulong ng paggawa nalilinang ng tao ang mga bagay na kung saan siya higit na magaling. Sa karagdagan, ang paggawa rin ang nagtuturo ng pagkakaroon ng responsibilidad sa tao. Responsibilidad na siyang tutulong upang maging higit na kapaki-pakinabang ang paggawa.