Ano ang malinaw na pagkakaiba ng instrumental at regulatori na gamit ng wika sa lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang malinaw na pagkakaiba ng instrumental at regulatori na gamit ng wika sa lipunan?

Sagot verified answer sagot

Ano ang malinaw na pagkakaiba ng instrumental at regulatori na gamit ng wika sa lipunanAng wikang instrumental at wikang regulatori, bagaman magkatulad na gamit ng wika sa ating lipunan, ay mayroong magkaibang gamit.

Ang malinaw na pagkakaiba ng wikang regulatori at wikang instrumental ay ang paraan at adhikain nila sa pagbibigay ng utos at regulasyon.

Sa wikang instrumental, nagbibigay ng tugon, pakiusap, at pag-uutos ang isang tao ngunit maaaring ito para lamang sa kaniyang sariling pangangailangan.

Samantalang ang wikang regulatori naman ay naglalayon na kontrolin o baguhin ang ugali o asal ng isang tao.

Ang regulatori ay isang utos na ibinibigay kadalasan ng ibang tao para sa pangangailangan ng iba, habang wiakng instrumental naman ay mga utos na ibinibigay sa iba upang mapakanibangan naman para sa kanilang mga sarili.