Ano ang Market Economy?

Katanungan

Nalilito ako kung ano ang ibig sabihin ng market economy?? Paki explain plssss

Sagot verified answer sagot

Isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga pang-ekonomiyang desisyon ay nakabatay sa batas ng suplay at demand ay tinatawag na market economy.

Sa isang market economy, maaaring ang mga prodyuser at konsyumer ang nagpapalakad ng buong kalakalan dahil sa isang market economy ang pangunahing may hawak ng mga likas yaman ay mga pribadong idibidwal at mga kumpanya.

Ngunit meron rin namang market economy kung saan mahigpit na ang estado o gobyerno ang siyang nangangasiwa ng pangangalakal ng mga produkto at serbisyo.

Kung ating oobserbahan, ang ating bansang Pilipinas ay may isang market economy na kung saan may kalayaan naman kahit papaano ang mga pribadong indibidwal at kumpanya ngunit mayroon pa rin kakaunting pamamalakad ng gobyerno.