Ano ang mas mahalaga puso o isip?

Katanungan

Ano po ang mas mahalaga: puso o isip?

Sagot verified answer sagot

Matagal nang may argumento kung alin nga ba ang mas mahalaga, puso o isip? Kung tutuusin ay parehong namang mahalaga ang dalawa.

Kailangan natin ng balanse sa buhay. Ngunit kung isa lamang ang pipiliin, sa aking opinyon, mas mahalaga ang puso.

Ito ay dahil sa tinuruan akong magpakita ng kabutihan sa aking kapwa sa pamamagitan ng pagmamahal kung saan ginagamit ang puso.

Para lamang itong usapan patungkol sa IQ (intelligence quotient) at EQ (emotional quotient). Kinakailangan natin ang puso upang matutunan nating magkaroon ng simpatya para sa ibang tao, magpakita ng pasensya, kabaitan, at iba pang kabutihang asal.