Ano ang mas mahalaga sipag o talino?

Katanungan

ano po ang mas mahalaga, sipag o talino?

Sagot verified answer sagot

Alin nga bas ang mas mahalaga? Sipag o talino? Hanggang sa kasalukuyan, isa itong palaisipan sa maraming tao.

Kung ako lang rin naman ang tatanungin, sa aking palagay ay mas mahalaga ang sipag o pagiging masipag.

Totoo namang mas higit na lamang ang isang taong likas na na matalino. Ngunit aanhin natin ang talino kung hindi naman masipag ang isang tao. Ang isang taong masipag ay maaari rin tumalino.

Bagamat magagamit niya ang kanyang kasipagan upang mag-aral nang mabuti.

Mas responsable rin ang datingan ng isang taong masipag dahil makakasiguro ka na gagampanan nito ang lahat ng kanyang responsibilidad at tungkulin.