Ano ang masasabi mo sa mga itinampok na mag-aaral sa dokyu-film?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Ano ang masasabi mo sa mga itinampok na mag-aaral sa dokyu-film?

Sagot verified answer sagot

Ang mga studyante ng Sinadangan Elementary School ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang patuloy na kinakamtan ang kanilang mga pangarap kahit na gaano man kahirap ang daan.

Isa sa mga itinampok ng GMA Network ang documentary-film na pinamagatang “Iskul Ko, No. 1!” na inihatid ni Sandra Aguinaldo na kung saan ipinamalas rito ang hamong kinahaharap ng mga mag-aaral sa araw-araw na pagtungo nila sa paaralan.

Itinampok dito ang kasipagan ng mga mag-aaral at ang kagustuhang matuto na siyang naging tulay upang tanghalin ang kanilang paaralan bilang ikalawa sa pinakamagagaling na iskul sa naganap na NAT o ang national Achievement Test na pamantayan upang malaman ang katayuang pagganap ng paaralan.