Ano ang mensaheng nais iparating ng Nakalbo ang Datu?

Katanungan

ano ang mensaheng nais iparating ng nakalbo ang datu?

Sagot verified answer sagot

Mula sa kwentong pinamagatang “Nakalbo Ang Datu,” nais iparating ng manunulat ang mensaheng huwag madaliin ang pag-ibig o pagmamahal.

Darating at darating ito. May tamang panahon para sa tunay at wagas na pag-ibig kaya huwag itong madaliin. Ito ang naging problema ng datu nang siya ay makinig sa mga tao sa kanyang paligid. Tumatanda na siya, oo. At kinakailangan niya ng asawa para magkaroon ng taga-pagmana.

Ngunit mali ang datu na tumingin laman sa pisikal na kaanyuan ng mga babae sa kanyang lugar. Mas mabuti sana kung siya ay naghintay at nakipagkilala sa mga babae upang magkaroon talaga ng pagmamahal sa pagitan nila.