Ano ang mga gamit at tunguhin ng isip at kilos loob?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang mga gamit at tunguhin ng isip at kilos loob?

Sagot verified answer sagot

Ang isip at kilos-loob ay dalawang konseptong isinasagawa ng tao. Ang isip ay sinasabing responsible sa pagbuo ng diwa at pagkakaunawa sa iba’t ibang kaisipan.

Ang isip ay ginagamit ng isang tao upang maunawaan ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Ito ang batayan ng kanyang pagkakilala sa kanyang mga kapwa na ang tunguhin ay katotohanan o maunawaan ang katotohanan.

Samantala ang kilos-loob naman ay ang kakayahan ng isang tao na magkaron ng sariling desisyon at isakatuparan ito.

Ito ay ginagamit upang makakilos o gumawa ang isang tao na naglalayong matungo ang kabutihan. Dahil ang kilos-loob ay ang responsable sa pagiging mapanagutan ng isang indibidwal sapagkat ang taliwas ito sa ideya ng kasamaan.