Ano ang mga kaalaman mo upang makapagpasya para sa sarili mo patunayan?

Katanungan

ano ang mga kaalaman mo upang makapagpasya para sa sarili mo patunayan?

Sagot verified answer sagot

Ang mga kaalaman ko upang makapagpasya para sa sarili ko ay ang pagkilala sa aking mga kalakasan at ang kasanayan sa pagsisiyasat ng bawat pangyayari.

Ang pagpapasya ay isang mahalagang aspeto sa buhay ng tao na nakatutulong upang maging masiyasat at responsible sa buhay.

Kung kaya, ang kakayahan na makabuo ng isang matalinong pasya ay nag-uugat sa pagkakakilala sa aking sarili partikular na sa aking mga kalakasan o kasanayan na kapaki-pakinabang sa pagkilala sa mga bagay na makatutulong sa pagbuo nito.

Gayundin ang kasanayan sa pagtimbang ng mga bagay-bagay o pinag-ugatan ng mga pangyayari ay mahalaga rin upang maging patas at mabuti ang pasya.