Katanungan
ano ang mga katangian ng Polynesia?
Sagot
Ang katangian ng Polynesia ay isang kapuluan na malawak sa Pasipiko. Ang Polynesia ay isang kapuluan na kung saan dito matatagpuan ang Tahiti at Hawaii.
Ang ngalan ng kapuluang ito ay mula sa griyegong salita na “polus” na ang kahulugan ay marami at “nesos” na ang ibig sabihan naman ay pulo.
Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan dito ay pangingisda at agrikultura partikular na ang pagtatanim ng mga produktong gaya ng saging, niyog, taro, at iba pang breadfruit.
Ang mga tao rin dito ay higit na kilala sa kanilang galing at husay sa paggawa ng sasakyang pandagat na bangka na tinawag nilang Catamaran.