Katanungan
ano ang mga lumang kaugalian na kailangan ninyong ituloy at itigil para sa pag iimpok ng buong pamilya?
Sagot
Ang mga lumang kaugalian na kailangang ituloy at itigil para sap ag-iimpok ng buong pamilya ay ang paggamit ng alkansya at matalinong paggasta ang mga dapat ituloy.
Sa kabilang banda, ang bisyo naman ang dapat itigil o ihinto upang maging kapaki-pakinabang ang pag-iimpok. Ang pag-iimpok o pag-iipon ay isang mahalagang kaugaling Pilipino na nakatutulong upang mapaghandaan ang kinabukasan ng pamilya.
Mula sa nagdaang panahon, ang paggamit ng alkansya gayundin ang paggamit ng salapi sa matalinong pamamaraan ay dapat na ipagpatuloy sa kasalukuyang panahon upang sa gayon y makapag-ipon ng maayos ang pamilya. Samantala, ang pagbibigay daan as bisyo ay nararapat itigil upang ang salapi ay hindi masayang sa maling gawain.