Katanungan
Paano malaman kung positibo sa alak ang drayber? Anong pagsusuri nga ba ang ginagawa?
Sagot
Sa ilalim ng Batas Republika 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act, may permiso ang mga pulis at traffic enforcers na hulihin ang sinumang sa tingin nila ay nakainom at lasing o hindi kaya naman ay nasa ilalim ng droga.
Mayroong field sobriety test na isinasagawa pagkahuli. Ang mga eksaminasyon na ito ay tulad ng one-legged stand, walk-and-turn, at iba pa.
Maaari ring isagawa ang alcohol breath analyzer kung saan gumagamit ng instrumento na hihipan ng drayber o motorista upang malaman ang lebel ng alkohol sa kanyang Sistema.
Idu-dukomento ang mga nakalap na impormasyon sa pagsagawa ng mga tests na ito at saka paparusahan ang drayber kung napatunayan na lumabag sa batas.