Katanungan
ano ang mga pasya tungo sa kabutihan at katotohanan?
Sagot
Hindi dapat tayo nag iisip ng mga masasamang gawain sa ating kapwa upang hindi tayo makakilos nang masama at makakaapekto sa komunidad na kinabibilangan.
Kailangan na pag isipan muna nang mabuti upang hindi magkaroon ng pagsisisi sa huli at kung sakali ay nakagawa ka na ng aksyon na makakasakit sa iyong kapwa.
Maaari rin na humingi ng tulong at gabay mula sa mga taong nakapaligid sa iyo kung mayroon kang gagawing krusyal na pagdedesisyon sa mga aksyon.
Kailangan isaalang-alang ang kapakanan din ng nakararami kung gagawa ng desisyon at pagkilos upang hindi magkagulo at magkaroon ng hindi pagkakaintindihan mula sa aksyon.