Ano ang mga suliraning pangkapaligiran ng Asya?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ano ang mga suliraning pangkapaligiran ng asya?

Sagot verified answer sagot

Ang mga suliranin ng Asya ay ang mga sumusunod: pagkasira ng lupa, dahil sa mga korporasyon na patuloy na naghuhukay ng lupa upang makapagtatag ng mga impastraktura o kaya makakamal ng likas na yaman at magamit para sa kanilang sariling ganansya.

Urbanisasyon, sa laksa-laksang pagpapatayo ng mga pabahay sa iba’t ibang lugar kahit marami pa rin ang naghihirap at walang tirahan.

Nagkakaroon ng mga pabahay dahil lamang sa mga negosyante na gustong kumita, lalo na ngayon talamak ang mga condominium.

Pagkawala ng biodiversity, dahil onti onti na nakakalbo ang mga kagubatan na mga tirahan ng iba’t ibang uri ng hayop, at ang pagkasira ng kagubatan dahil sa mga iligal na gawain ng ibang malalaking korporasyon.