Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa pag-unlad ng agham at teknolohiya?

Katanungan

ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa pag-unlad ng agham at teknolohiya?

Sagot verified answer sagot

Ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa pag-unlad ng agham at teknolohiya ay nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.

Ang kakayahan ng tao na maging produktibo sa larangan ng antas at teknolohiya ay nagdudulot ng kaginhawaan sa larangan ng paggawa sapagkat mas napabibilis nito ang produksyon na kapaki-pakinabang naman sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa.

Gayundin, napabibilis ng mga makabagong imbensyon ang antas ng paggawa ng mga tao sa isang institusyon at sa pang-araw-araw na gawi. Kung kaya, ang pagpasok ng agham at teknolohiya sa lipunan ay naging isang kapaki-pakinabang na aspeto.