Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong panahon ng kolonyalismo?

Katanungan

ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong panahon ng kolonyalismo?

Sagot verified answer sagot

Naging mulat at naghangad ng pagbabago ang mga kabataan—ito ang naging bunga nang magkaroon ng edukasyon ang mga kabataan noong kapanahunan ng kolonyalismo.

Ating mababasa sa kasaysayan na limitado lamang ang mga mamamayang Pilipino noon na binigyan ng karapatan upang makapag-aral.

Ngunit nagkaroon ng pagkakataon na nabuksan ang edukasyon para sa lahat. Natutunan ng mga kabataan na lumaban para sa kanilang bansa.

Nagkaroon sila ng ideya sa totoong nangyayari sa kanilang lupang sinilangan at nabuksan ang kanilang isipan na kailangan nilang ipagtanggol ang kanilang bansa mula sa mapang-abusong pangongolonya ng mga dayuhang bansa. Napakaganda ng dulot ng edukasyon sa kabataang Pilipino.