Ano ang naging papel ng simbahan sa paglakas ng Europe?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang naging papel ng simbahan sa paglakas ng Europe? Ipaliwanag ng mabuti.

Sagot verified answer sagot

Sa panahon ng Middle Ages, sinasabing ang simbahan ang pinakamakapangyarihang samahan at institusyon.

Sila ang namamahala sa halos lahat ng bagay sa kanilang nasasakupan tulad ng mga lupain at edukasyon ng mga mamamayan. Higit din silang may kapangyarihan kompara sa mga hari o unang pamilya.

Ang pagkilala ng simbahan sa Europe bilang isang bansang Kristiyano ay ang naging dahilan ng pag-unlad ng rehiyon.

Sa kapangyarihan at kabuhayang naibigay sa Europe, sumiglang muli ang kalakalan, lumaki na rin ang populasyon nito, at umusbong ang mga mauunlad na bahagi nito na kalaunan ay naging mga lungsod na rin.