Ano ang naging reaksyon ng pamahalaang kolonyal sa kilusang propaganda?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang naging reaksyon ng pamahalaang kolonyal sa kilusang propaganda?

Sagot verified answer sagot

Ano ang naging reaksyon ng pamahalaang kolonyal sa kilusang propagandaIkinabahala ng mga mananakop na Kastila na sila ring may hawak ng pamahalaan noong panahon ng kolonya ang pagkakasilang ng Kilusang Propaganda.

Dahil sa pamamagitan ng ilang artikulo mula sa kanilang opisyal na pahayagang La Solidaridad ay nabunyag ang ilang kabuktutan sa pamamahala ng mga Espanyol, ikinabahala ito ng mga mananakop.

Dahil makapangyarihan din ang mga bahagi ng Kilusang Propaganda at mga nakapag-aral din, batid nilang may kakayahan ang mga ito na pabagsakin sila sa oras na magtagumpay ang kanilang mga plano at mithiin.

Gayunman, sandaling nabunutan ng tinik ang mga Espanyol sa pagkakabuwag ng Kilusang Propaganda dahil na rin sa kawalan ng pondo.