Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa? Ty sa makakatulong sakin 🙂

Sagot verified answer sagot

Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwaAng nagtutulak sa isang taong maglingkod at tumulong sa kapuwa ay kakayahan nitong makaramdam ng awa at pagmamalasakit.

Ang taong may mabuting puso ay handang maglingkod sa iba kahit hindi nila kaano-ano. Alam ng mga taong kayang maglingkod at tumulong na ang pinakamalaking magagawa ng isang indibiduwal sa isang taong nangangailangan ay ang pag-aabot ng tulong, anumang uri ng pagtulong ito.

Hindi man likas para sa lahat ang pagtulong nang palagian, lumalabas naman ang pusong mapagmalasakit ng iba sa oras na makita nilang nangangailangan talaga ang iba o naramdaman nilang nakaranas din sila nang ganoong situwasyon at kailangan nilang tulungan ang iba.