Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?

Katanungan

Ano po ba ang naidudulot ng kakulangan sa budget?

Sagot verified answer sagot

Budget ang tawag sa kalkuladong plano o detalyadong talaan ng tnatayang kita at gastos ng isang indibidwal, kabahayan, kabuhayan, at iba pa.

Kapag kinapos sa budget ang isang tao, negosyo, o anuman, ay nagdudulot ito ng pagpapahirap para sa tao o negosyo na iyon.

Mahirap na magampanan ng isang tao o negosyo ang kanilang pangangailangan bagama’t kulang ang kanilang pera upang mabili ang mga ito.

Maaaring hindi mabigyan ng pansin ang mga importanteng bagay. Nakakadulot rin ng stress ang kakulangan ng budget dahil iisipin ng indibidwal o negosyo kung saan makakahagilap ng sapat na pera upang matugunan ang mga pangangailangan.