Ano ang nais iparating ng awiting bayan ko?

Katanungan

ano ang nais iparating ng awiting bayan ko?

Sagot verified answer sagot

Ipinahihiwatig nito ang lubos na pagmamahal sa Pilipinas o kung saan sinilang ang isang tao. Kadalasan ang kantang ito ay inaawit sa mga paaralan dahil tinuturuan nito ang mga kabataan na mahalin ang kanilang sariling bayan at pahalagahan ang kanilang kapwa.

Nagbibitbit ito ng mensahe na dapat nating alagaan at mahalin ang ating bayan upang mas umunlad ito at hindi pa pamunuan ng mga ganid na tao.

Dahil kung mahal mo ang iyong bayan, gagawin mo ang lahat upang makamit ang tunay nitong kalayaan, buhay man ang i-alay o kahit may isakripisyo ka man. Kung hindi natin kayang ipaglaban ang ating bayan, malulugmok lamang lalo ito.