Katanungan
ano ang nangyari sa pamumuhay ng mga katutubong pilipino?
Sagot
Ang pananakop ng mga Espanyol sa ating bansang Pilipinas ay isa sa mga pinakamahalagang parte ng ating kasaysayan.
Mahigit 300 taon silang namalagi sa ating bansa kaya naman maraming nagging karanasan ang ating mga ninuno at ang mga katutubong Pilipino.
Lalo na pagdating sa pamumuhay ng ating mga katutubong Pilipino, napakaraming pagbabago ang naganap.
Naging mas mahirap ang pamumuhay sa ilalim ng mga Espanyol dahil sa iba’t-ibang mapang-abusong patakaran na kanilang ipinatupad.
Halimabawa nito ay ang polo y servicios o ang sapilitang pagtatrabaho ng mga may edad 16 hanggang 60. Ito ay upang maipakita nila ang kanilang paninilbihan sa hari ng Espanya.