Ano ang netiquette?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang netiquette?

Sagot verified answer sagot

Ano ang netiquetteAng netiquette ay sinasabing ang lupon ng mga alituntunin at asal na dapat isaisip at isagawa ng isang tao kung gagamit ng Internet.

Nagmula ang terminong netiquette sa mga salitang English na “etiquette” o kabutihang asal o gawi, at sa “net” na kumakatawan naman sa mundo ng Internet.

Ang ilan sa mga netiquette na itinuturo ng ilang eksperto sa paggamit ng teknolohiya ay ang hindi paggamit ng masasamang salita o di kaya naman ay paggamit ng larawan o katauhan ng ibang netizen. Ilan pa sa mga netiquette ay ang hindi pagpapakalat ng mali o pekeng balita online, at ang pag-iwas sa pamba-bash.