Ano ang obserbasyon mo sa paggamit ng wika sa programang ito?

Katanungan

ano ang inyong obserbasyon sa paggamit ng wika sa programang ito?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga pinakasikat na programang telebisyon ay ang It’s Showtime. Kinagigiliwan at kinaa-aliwan ito nang nakararaming Pilipino.

Sa aking obserbasyon, ang kadalasang ginagamit na wika sa programang ito ay ang ating pambansang wika na Filipino.

Ngunit paminsan-minsan rin naman ay gumagamit sila ng wikang Ingles, na isa rin naman sa ating opisyal na lengguwahe.

Ang paggamit ng wikang Filipino at Ingles ay nakabubuti naman bagamat ito ang dalawang pangunahing wika na naiintindihan ng maraming Pilipino.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga wikang ito ay mas marami pa silang mga Pilipino na mahihikayat na manuod at mas naipababatid rin nila ang mensahe ng kanilang programa para sa marami nating mga kababayan.