Ano ang opportunity cost?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang opportunity cost?

Sagot verified answer sagot

Ano ang opportunity costAng opportunity cost ay isang mahalagang konsepto sa ekonomiks. Ito ay ang posibleng benepisyo ng isang indibidwal, investor, negosyante, o negosyo sa kabuuan na hindi nila nakuha dahil sa pagpili ng ibang oportunidad o alternatibo.

Upang sapat na malaman o matimbang ang opportunity cost, kailangang timbangin nang maayos o mabuti ang gastos at benepisyon ng mga pagpipilian.

Mahalaga ang pagtaya sa opportunity cost lalo na sa mga negosyo dahil ang wasto at tamang pagtimbang sa mga pagpipilian ay mas makikita ang mga opsyong mas magbibigay ng kita sa isang institusyon.

Mayroon ding formula na ginagawa upang makompyut ang opportunity cost. Ito ay ang pagbawas sa return of best forgone option (FO) minus sa return of chosen option. Sa madaling sabi, ito ay FO – CO = Opportunity Cost.