Ano ang oyayi?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang oyayi?

Sagot verified answer sagot

Ang oyayi o tinatawag ding hele ay isang uri ng awitin kung saan naglalayon itong mapatulog ang isang sanggol o bata.

Ang awiting ito ay malimit gamitin ng isang ina upang mahimbing na ilagay sa tulog ang anak o sanggol. Ang tono ay sadyang nakaaantok na siyang nagiging sanhi ng pagkatulog.

Ang mga salitang binibigkas ay masasabing paulit-ulit lamang subalit ang tema ng awiting ito ay nagkakaiba-iba.

Ilan sa mga ibinigay na halimbawa ng tema ng oyayi o hele ay ang damdamin ukol sa kahirapan, ang pangarap ng nanay sa kanyang anak sa paglaki nito. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Rosas Pandan, Ay!ay! Kalisud, at si Felimon.