Ano ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan at tatag ng kalamnan?

Katanungan

ano ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan at tatag ng kalamnan?

Sagot verified answer sagot

Ang ating kalamnan ay nagtataglay ng lakas at tatag na siyang nakakatulong sa atin upang makagawa tayo ng mga bagay-bagay.

Sa wikang Ingles, ang kalamnan ay kilala rin bilang muscles. Masasabing matatag ang isang kalamnan kung ito ay may kakayahang humila o magtulak ng isang bagay, gaano pa man kalaki, kaliit, kagaan, o kabigat, nang paulit-ulit at walang kapaguran.

Sa kabilang banda naman, sinasabing may lakas ang isang kalamnan kung ito ay may kakayahan na magbuhat, maghila, o tumulak ng isang bagay, partikular na ang mga may bigat na higit pa sa timbang ng isang indibidwal. Mahalagang panatilihin natin ang lakas at tatag n gating mga kalamnan upang tayo ay maging malusog.