Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kanyang buhay?

Katanungan

ano ang pagkakamaling ginawa ni psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kanyang buhay?

Sagot verified answer sagot

Ang pagkakamali niya ay naniwala agad siya sa kaniyang kapatid na ang kaniyang asawa ay isang halimaw kaya kailangan na patayin agad ito.

Nalito at hindi alam ni Psyche ang kaniyang gagawin kaya sinunod niya na lamang ang sinabi ng kaniyang kapatid laban sa kaniyang asawa.

Isa itong manipestasyon na wala siyang tiwala sa kaniyang sariling asawa, hindi niya pinaniwalaan ang kaniyang pinakasalan.

Kung ikaw ay may asawa o may pinakasalan na tao, malaki dapat ang iyong tiwala dahil siya ang makakasama mo hangga’t ikaw ay nabubuhay. Siya rin ang makakatuwang mo sa buhay at dapat kilalang kilala mo siya bago ikaw ay ikasal sa isang tao.