Ano ang pagtingin ng mga kastila sa isang indio?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pagtingin ng mga kastila sa isang indio?

Sagot verified answer sagot

Nagmula ang terminong Indio sa mga Kastila bilang bansag nila sa mga katutubong populasyon ng kanilang mga sinakop na lugar o nagsisilbi nilang kolonya. Dahil nasakop nila ng 333 taon ang Pilipinas, marami ring katutubo ang natawag na Indio.

Ang terminong ito ay nahaluan na ng pang-aalipusta kalaunan. Dahil ang turing ng mga mananakop na Kastila sa mga Indio ay ang pinakamababang katayuan sa lipunan. Kabilang pa rito ang pagtawag nila sa mga Indio na tamad at palaaklas.

Kapag Indio rin, ang tingin nila ay mangmang at hindi edukado dahil bibihira lang sa kanila ang nakapag-aaral. Sakop din ng panghahamak ng mga Kastila sa mga Indio ang kanilang kulay ng balat, paninirahan sa kabundukan, maging ang pagiging pandak ng mga ito.