Ano ang paksang pangungusap?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ano ang paksang pangungusap?

Sagot verified answer sagot

Ito ay nagtutukoy sa pinaka paksa o pinakadiwa ng isang pangungusap o pahayag. Mahalaga na mayroong paksang pangungusap ang isang mahabang pahayag o kaya thesis dahil dito babasahin ng mga magtatanong sa iyo ang pinaka puso ng iyong pananaliksik.

Mahalaga na nasa unahan ito upang may ideya agad ang mambabasa hinggil sa tatalakaying paksa o diskurso. Bukod pa rito, makatutulong ito upang maunawaan agad ng ibang tao ang nais mong iparating sa iyong sulat.

Ito ang panimula na kailangan pang talakayin nang mas malalim at mas lawakan pa ang mga eksplenasyon para mailahad nang maayos ang impormasyon hinggil sa paksa na napili ng may akda o teksto.