Ano ang pananaw ng may akda tungkol sa pamilya pag ibig?

Katanungan

Ano po ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya at pag-ibig? Maraming salamat po.

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga sikat na nobelang Pranses ang “Ang Kuba ng Notre Dame.” Marami itong tema tulad na lamang ng pamilya at pag-ibig.

Ang pananaw ng may akda, na si Victor Hugo, sa temang pamilya ay kahit na gaano katagal pa man magkahiwalay ang dalawang miyembro ng pamilya, kapag sila ay nagkita muli ay tiyak na nandun pa rin ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa.

Ito ay makikita natin sa nangyari sa pagitan ni La Esmeralda at Sister Gudule, kung san si La Esmeralda pala ang nawawalang anak ni Sister Gudule.

Sa tema ng pag-ibig naman, ang pananaw ng may akda ay ito ang pinakamatinding damdamin na nananaig sa isang tao.

Ang isang tao ay kayang gawin lahat sa ngalan ng pag-ibig. Tulad ng pagmamahalan nila La Esmeralda at Quasimodo.