Ano ang pangunahing dahilan ng suliraning pangkapaligiran sa Asya?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang pangunahing dahilan ng suliraning pangkapaligiran sa asya?

Sagot verified answer sagot

Urbanisasyon ang pangunahing dahilan ng suliraning pangkapaligiran sa Asya. Ito ay tumutukoy sa pag-usbong ng mga mataas na gusali at marami pang ibang imprastraktura na siyang nagiging sanhi ng maraming problemang pangkapaligiran.

Dahil sa urbanisasyon, apektadong lubos ang ating paligid. Nawawasak ang lupa dahil sa patuloy na pagpapatayo ng mga gusali at dahil rin dito ay nababawasan ang pinagkukunan ng likas na yaman.

Ang polusyon sa tubig at hangin ay patuloy na lumalala rin. Maraming kagubatan rin ang nakakalbo o nawawasak dahil sa tinatawag na land conversion ng urbanisasyon.

Hindi lamang ang mga tao ang naaapektuhan ng mga suliraning pangkapaligiran ngunit maging na rin ang mga hayop at halaman.