Ano ang pangunahing katangian ng Athens bilang isang lungsod estado ng Greece?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ano ang pangunahing katangian ng athens bilang isang lungsod estado ng greece?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga lungsod estado ng bansang Greece ay ang napakagandang Athens. Isa ito sa mga pinakamatandang lungsod sa buong bansa. Sa katunayan rin, ito ngayon ang kabisera ng bansa ngayon at ang pinakamalaking lungsod nito.

Bilang pinakamatandang lungsod, maraming mga historical buildings at sites ang matatagpuan dito. Kaya naman tanyag itong pasyalan sa mga turista at dayuhan.

Kilala rin ang mga nakatira sa Athens, noong sinaunang panahon pa lamang, na magaling sa larangan na sining, musika, at pilosopiya. Ang pangalan ng lungsod ay nagmula sa isa sa mga Griyegong diyosa na si Athena. Si Athena ang itinuturing na diyosa ng karunungan.