Ano ang pangunahing layunin ng regular na pag inspeksyon ng isang sasakyan?

Katanungan

Ano po ang pangunahing layunin ng regular na pag inspeksyon ng isang sasakyan?

Sagot verified answer sagot

Ang regular na pag inspeksyon ng isang sasakyan ay isinasagawa para sa pangunahing layunin na masiguro ang seguridad at kaligatasan ng kung sinuman ang gagamit o magmamaneho ng naturing na sasakyan.

Kinakailangan malaman na nasa maayos pa itong kondisyon bago imaneho at dalhin sa kalsada. Taon-taon itong ginagawa sa pagsusuri ng Land Transportation Office (LTO) bago ma-rehistro ang sasakyan.

Kapag hindi pumasa sa inspeksyon ang sasakyan ay maaaring hindi ito payagan na marehistro.

Ang kaligtasang sinisiguro ng inspeksyon na ito ay hindi lamang para sa mga nakasakay sa sasakyan na iyon ngunit para na rin sa ibang motorista sa kalsada.

Iwas aksidente ang paninigurado na ang sasakyan ay maaari pang dalhin sa kalsada.