Ano ang pantangi at pambalana?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang pantangi at pambalana?

Sagot verified answer sagot

Ano ang pantangi at pambalanaAng pantangi at pambalana ay mga uri ng pangngalan. Ang pangngalang pantangi ay ang tiyak na ngalan ng isang tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik kung isusulat.

Halimbawa nito ay ang tiyak na ngalan tulad ng Sarah Geronimo, Quezon City, Bruno, at Christmas Day o Pasko. Sa kabilang banda, ang pangngalang pambalana naman ay mga ngalang hindi tiyak o ang pangkalahatang ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, maging ng isang pangyayari.

Ito naman ay isinusulat nang may maliit na titik sa umpisa. Ang ilan sa mga halimbawa ng pangngalang pambalana ay artista, guro, aso, lungsod, at kaarawan.