Katanungan
ano ang patakarang piskal?
Sagot
Ang patakarang piskal o sa ingles ay Fiscal Policy ay isang patakaran na kumukontrol sa ekonomiya ng bansa na kung saan upang mapatatag ito, binigyan ng katungkulan ang pamahalaan na pangasiwaan ang ekonomiya ng bansa.
Ito ay nahahati sa dalawang uri: una, ang expansionary fiscal policy na tumutukoy sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagbabawas ng buwis at pamumuhunan na nakatutulong upang maitaas ang demand na siyang dahilan upang mapataas ang mga kinakailangang output na gagawin ng bansa.
Ang ikalawa naman ay ang contractionary fiscal policy o ang pagbabawas naman sa sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabawas sa nakalaang gastusin ng gobyerno at pagtaas ng buwis.