Ano ang pinagmulang salita ng diwata?

Katanungan

ano ang pinagmulang salita ng diwata?

Sagot verified answer sagot

Ang salitang diwata ay mula sa Sanskrit na salita na devata o deveta na mula sa bansang India. Samantala, sa Javanese, ang diwata ay hango sa salitang Djuwata.

Sa Borneo, ito ay mula sa salitang Rewata. Sa Indonesia, hango ito sa Dewata. Gayunman, ang salitang ito ay nangangahuugan na deity, divinity, o divine.

Subalit sa bansang Pilipinas, partikular na sa unang panahon, ang diwata ay kinikilala ng mga tao o mamamayan bilang isang element na kaiba sa tao na silang nangngalaga at pumuprotekta sa kapaligiran o kalikasan. Madalas sila ay inilalarawan bilang isang marikit o magandang mga nilalang o element.