Ano ang pinakamahalagang impluwensya ng age of enlightenment?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang pinakamahalagang impluwensya ng age of enlightenment?

Sagot verified answer sagot

Ang pinakamahalagang impluwensya ng Age of Enlightenment ay ang pagkakaroon ng kaliwanagan, pagkamulat sa katotohanan, pagkatuto ng pangangatwiran, at pagsugpo sa kamangmangan.

Ang Age of Enlightenment o sa tagalog ay Panahon ng Pagkamulat ay isang yugto na naganap noong ika-18 na siglo na kung saan ito ang naging panahon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan upang makamtan ang kaliwanagan at kaunawaan sa iba’t ibang konsepto.

Naging tulay din ito upang maihinto ang maling paniniwala ng mga tao sa mga bagay na hindi ipinaliwanag o naipaliwanag sa tulong ng siyensya. Sa yugtong ito, ang katuwiran ang nagsilbing sentro ng kapangyarihan.