Ano ang pinakamalaking bulaklak na matatagpuan sa Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pinakamalaking bulaklak na matatagpuan sa Pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Ang pinakamalaking bulaklak na matatagpuan sa Pilipinas ay ang bulaklak na rafflesia.

Ang rafflesia na kritikal na nanganganib na bulaklak, ay matatagpuan sa Southeast Asia na matatagpuan din sa Pilipinas, mayroon din sampung (10) uri ang matatagpuan dito sa bansa.

Kilala bilang “corpse flower” ang rafflesia dahil imbis na mabangong amoy na magpapaakit ng mga bubuyog ang inilalabas nito, mabahong amoy ang magmumula rito at langaw ang naaakit ng higanteng bulaklak.

Umaabot din sa tatlong talampakan ang laki ng rafflesia, habang ang pinakamaliit naman nito ay may sukat na anim na pulgada. Matatagpuan ang rafflesia sa Quezon, Antique, Bicol, Panay, Quirino, at Laguna.