Katanungan
ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?
Sagot
ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga ay ang pamilya at pag-aaruga sa anak.
Ang pamilya ay isang mahalagang yunit sa buhay ng isang tao sapagkat ang mga kasapi nito ang unang nakikilala at nakasasalamuha ng isang indibidwal na siyang kinapupulutan niya ng aral na kapaki-pakinabang sa pagtahak niya sa landas ng buhay kung kaya naman ito angg itinuturing na pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga sapagkat ito ang batayan at ugat ng pagkatuto ng bawat isa.
Samantala, ang pag-aaruga sa anak ang pinakanatural na tagapagpaganap ng pagpapahalaga sapagkat ito ay kusang ibinibigay ng pamilya ng hindi nagangailangan ng utos ninuman sa lipunan.