Katanungan
Ano ang ibig sabihin ng saglit na kasiglahan?
Sagot
Isa pang elemento ng maikling kwento ang saglit na kasiglahan. Sa parteng ito ng maikling kwento makikita kung paano nabibigyan ng panandaliang ligaya ang mga pangunahing tauhan bago sila humarap sa mga problema at suliranin na kanilang kailangan pagtagumpayan sa kwento.
Ang saglit na kasiglahan ay kadalasan mababasa sa gitnang parte ng isang maikling kwento.
Maaaring ito ay ang pagkikita muli ng mga magkasintahan na naghiwalay, pagkakaroon ng kapangyarihan ng pangunahing tauhan, at iba pang maaaring ikasaya ng mga karakter sa kwento.
Isinusulat itong saglit na kasiglahan upang bigyang buhay at pag-asa ang mga tauhan sa kwento na harapin ang kanilang mga suliranin.