Ano ang Sansala (kahulugan, kasingkahulugan, kasalungat)?

Katanungan

ano ang sansala (kahulugan, kasingkahulugan, kasalungat)?

Sagot verified answer sagot

Ang ibig sabihin ng salitang “sansala” ay ipagbawal. Mayroong iba pang mga Filipinong salita ang maaaring maging kasingkahulugan ng salita.

Kapag sinabing kasingkahulugan, ito ay may pagkakapareha sa kanilang ibig sabihin. Ang sansala ay kasingkahulugan ng pagsusuway, sawayin, at pagtutol. Lahat ng mga salitang ito ay ibig sabihin lang na pagbawalin.

Sa kabilang banda naman, kung ang nais mong sabihin ay ang kasalungat ng salitang sansala o iba sa ibig sabihin nito, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na salita: pagpapahintulot, pagpapayag, pagbibigay basbas.

Ang mga salitang nabanggit ay salungat o hindi pareho ang ibig sabihin sa orihinal na salitang binigay “sansala.”