Ano ang Sarswela?

Katanungan

ano po ang sarswela?

Sagot verified answer sagot

Isang uri ng dulaan ang sarswela o zarzuela. Ang pinagkaiba nito sa ibang dulaan ay ang sarswela ay kadalasang may temang satirikal na komedya.

Bukod sa pagpapalitan ng diyalogo, ang mga tauhan rin ay maririnig na kumakanta at makikitang sumasayaw.

Kung papansin, ang sarswela ay halos kapareha ng pagtatanghal na tinatawag na opera na siya namang sikat sa Italya.

Ngunit ang pinagmulan ng sarswela ay mula sa impluwensiya ng mga Espanyol na nanakop sa ating bansang Pilipinas.

Noong panahon ng mga Kastila sa ating bansa, naging patok na pampalipas oras ang sarswela. Ito ay hindi lamang itinatanghal sa teatro, ngunit maging na rin kahit sa kalye lamang.