Katanungan
Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari?
Sagot
Ang korona ng isang hari ay sumisimbolo sa kapanyarihan, awtoridad, at karangalan na tinatamasa ng isang hari. Karaniwang gawa sa ginto at mga diamante ang isang korona.
Marami rin itong iba’t-ibang palamuti. Ang hari ang siyang pinakamataas na posisyon sa pamayanan, lalo na noong sinaunang panahon.
Gayunpaman, may mga hari pa ring natitira sa ilang mga bansa sa buong mundo at tinitingala pa rin ang kanilang pagiging makapangyarihan.
Tulad ng ibang mga pinuno, ang naghahari ang siyang nangangasiwa sa kanyang lipunan na pinamumunuan, nagpapatupad ng mga batas, at marami pang ibang mga tungkulin. Bukod sa hari, ang reyna, prinsesa, at prinsipe ay maaari rin magsuot ng korona.