Ano ang Sistemang Bandala?

Katanungan

Ano ang Sistemang Bandala?

Sagot verified answer sagot

Ang sistemang bandala ay ang tawag sa Sistema ng pagbabayad ng buwis taon-taon na ang nagtakda ng laki ng bayad ay ang pamahalaan na kung saan ang mga tao ay sapilitang ipinagbibili ang kani-kanyang ani at produkto sa pamahalaan na binabayaran lamang sa mababang halaga.

Ang sistemang ito ay ipinakilala ng mga mananakop na Espanyol ng mapasakamay nila ang Pilipinas. Kaakibat ng sistemang ito ang iba pang mga patakarang ipinatupad nila sa bansa gaya ng tribute at polo y servicios.

Ipinatupad ito ng pamahalaan ng mga Espanyol upang magkaroon ng mas malaking kita na siyang magagamit ng mga ito.