Ano ang sistemang piyudalismo?

Katanungan

ano ang sistemang piyudalismo?

Sagot verified answer sagot

Ang sistemang piyudalismo ay isang uri ng pamamalakad ng isang lupain na kung saan ang mga indibidwal na nagmamay-ari ng lupa ay may kakayahang ipasaka ang kanilang lupain sa mga taong may kakayahang maging matapat at maglingkod sa kanila.

Ang mga indibidwal na tumatanggap ng mga lupang kanilang sasakahin ay tinatawag na vassal. Samantala, lord naman ang tawag sa mga taong nagmamay-ari ng mga lupain.

Ang pagpapasaka ng lupain ay hindi basta na lamang pinapayagan dahil ito ay nararapat na nakapaloob sa isang kasunduan na tinatawag na oath of fealty na kung saan ang isang pangako ng kasunduan ay pinagtitibay.