Katanungan
ano ang subheto ng paggawa ipaliwanag?
Sagot
Sa paggawa ay may tinatawag na subheto ng paggawa. Ito ay tumutukoy sa uri ng paggawa kung saan ang tao lamang ang kumikilos upang makabuo ng produkto o makapagbigay ng serbisyo.
Walang tulong mula sa mga makinarya o iba pang klase ng teknolohiya. Tanging mga kamay, paa, pagod, at pawis lamang ang puhunan sa subheto ng paggawa.
Maaaring mai-uri rito ang mga hanapbuhay tulad ng paghahabi, pagluluto, at iba pa. Ang paghahabi, bagamat may makinarya na ngayon na nakakatulong, ay kadalasan pa ring ginagawa gamit ang kamay.
Mas pinipili ng marami na magtahi gamit ang kamay nila dahil mas nakikita nila ang pagbuo ng damit o pagburda.